Breaking News

Share this information:

PINAG-IINGAT ng Manila City Hall ang publiko hinggil sa mga mapagsamantala o scammer na gumagamit ng pangalan ng Office of the City Administrator sa lungsod ng Maynila.

Ginawa ito ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu kasunod ng mga natatanggap na mga ulat na  ginagamit ang kanilang opisina upang makapag-solicit o makapangloko ng mga indibidwal o ilang mga grupo.

This office has been receiving reports of the existence of several individuals or group of individuals posing or using the Office of the City Administrator and/or pretending to be connected with it, as well as impersonating the person of the undersigned to scam, defraud and solicit from the unsuspecting people monetary and financial consideration in exchange for official favor.” saad sa abiso ng opisina ng City Administrator.

Sinabi ni Espiritu na marami nang  natanggap  na sumbong na ginagamit ang kanilang opisina para nakapanghingi ng tulong pinansyal.

Nabanggit din ni Espiritu na mayroon nang nabiktima ng hindi pa nakikilalang scammer kung saan may hiningan ito ng tulong para umano sa mga nasunugan.

Nagpadala naman agad ang nahingian ng P10,000 ngunit nang makausap niya ng personal si Espiritu ay nalaman niya na nabiktima siya ng panloloko.

Hinikayat naman ni Espiritu ang publiko na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan o kaya ay makipag-ugnayan sa City Security Office at Special Mayor Reaction Team (SMaRT) sakaling may manghingi ng tulong pinansiyal gamit ang kanilang opisina.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: