Proyektong “Kadiwa” ng DA, tuloy sa pagbebenta ng murang produkto

Share this information:

Ang proyektong KAtuwang sa DIwa at GaWA (KADIWA) ni Ani at Kita ng Kagawaran ng Pagsasaka (Department of Agriculture o DA) ay patuloy sa pagsasagawa ng pagtitinda tuwing Biyernes ng murang halagang ani at produkto mula sa Chef José Consortium of Cooperatives.

Binubuo ng Batangas Egg Producers’ Cooperative, San Jose Workers’ Multi-Purpose Cooperative, at Batangas Organic and Natural Farming Agriculture Cooperative ang mga suplay ng gulay, prutas, itlog, manok, at iba pang produktong pang-agrikultura na mula sa CALABARZON para dalhin sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Halos dalawang toneladang suplay ng pagkain ang iniluwas ng mga nasabing kooperatiba ngayong kahapon sa mga pamilihan tulad ng Waltermart North Edsa; FarmFetch Restaurant sa Katipunan, Quezon City; Waltermart Makati; at Makati Atrium.

Ayon kay Gng. Cecille Aldueza-Virtucio, chairperson ng Chef José, ay katuwang nila ang DA Region 4-CALABARZON na nagsisilbing hub kung saan pinagsasama-sama ang mga ani at produkto na mula sa halos 700 miyembro ng samahan upang maging bahagi ng KADIWA.

Aniya sa pamamagitan ng pagtutulungang ito ay napapataas ang market value ng kanilang mga produkto na nagreresulta sa mas mataas na kita ng mga magsasaka at mas stable na presyo para sa mga mamimili.

“Sapat at sigurado po ang suplay ng pagkain sa CALABARZON. Makakatiyak kayo na sa pagtutulungan po namin na mga magsasaka ay patuloy kaming magdadala ng pagkain sa Metro Manila nang makatulong na maging sapat ang suplay ng pagkain para sa lahat,” wika ni Gng. Virtucio.

Maliban sa mga lowland at highland vegetable, prutas, manok at itlog, nagtitinda rin ang  Chef José ng mga grocery item, baking product, kape, asukal, at ilang manufactured product gaya ng turmeric tea, sinaing na isda, at iba pa hindi lamang sa Kalakhang Maynila kundi maging sa ilang bahagi ng CALABARZON.

Ang sinumang interesado ay maaaring direktang mamili sa online marketplace na www.yourchefjose.com.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Vaccination training for health workers in DOH-CALABARZON continues

Sat Feb 6 , 2021
The Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) continues to conduct short-course training on COVID-19 vaccination for health workers. Regional Director Eduardo Janairo said that all health workers must have proper knowledge and skills to ensure a safe and efficient vaccine administration once the vaccines will be […]

Follow Us

%d bloggers like this: