Breaking News

Share this information:

TODAS ang prominenteng pinuno ng isang fraternity matapos na tambangan ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem sa Barangay Calamba, Cebu City, Biyernes ng hapon.

Apat na tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Richard Buscaino, presidente ng Alpha Kappa Rho fraternity sa Central Visayas.

Ayon kay Police Staff Sergeant Vincent Gonzalve ng Sawang Calero Police Station, lulan ng kanyang kotse patungong Barangay Labangon si Buscaino nang puntiryahin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nang matiyak na napatay na ang biktima, agad na tumakas ang mga salarin.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente at ang pagtutukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek gayundin ang motibo ng krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: