NAGPAPATULOY na ang contact tracing ng City Health Office ng Cauayan City, Isabela makaraang may isang estudyante ng pribadong eskuwelahan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa abiso ng Cagayan Public Information Office sa kanilang social media account, inihayag nito na mayruong mag-aaral ang dumalo ng face-to-face classes sa kanilang paaralan kasama ang 44 iba pang estudyante. Nangyari ang pisikal na klase nuong nakaraang linggo.
Nakumpirma ang pagiging positibo sa virus infection ng mag-aaral nang lumabas ang resulta ng swab test nito nuong Sabado.
Ang naturang estudyante ay direktang nakasalamuha umano ng isang empleyado ng City Hall na tinamaan din ng COVID-19.
Samantala, tatlumpu’t tatlong indibidwal na rin ang sumailalim sa swab test dahil may direct contact ang mga ito sa estudyante.