P’que LGU, namahagi ng digital devices

Namahagi kamakailan ang Parañaque City government sa mga mag-aaral ng Parañaque Elementary School ng halos 16,000 mga learning tablet habang nasa 1,500 laptop naman ang naipagkaloob sa mga school teachers sa lungsod.

Kahapon ay pinangunahan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang turnover ceremony sa mga nasabing learning gadget, kasabay nito ang pagkakaloob ng Wi-Fi connectivity para sa 44 na pampublikong paaralan sa lungsod.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Schools Division Superintendent of Parañaque City Dra. Evangeline Ladines sa ibinigay na mga gadgets ng Parañaque LGU para magamit ng mga estudyante sa online learning education sa lungsod sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Ladines may mga Wi-Fi na rin na nakakabit sa mga classroom upang may magamit ang mga guro sa kanilang pagtuturo sa pamamagitan ng online learning.

(Photo credit: Mayor Edwin Olivarez Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.