Breaking News

Share this information:

Pinangangambahan ngayon ang posibleng local transmission ng UK variant ng corona virus matapos maitala ang kauna-unahang kaso sa bansa. 

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital,  dahil nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng  COVID-19 ay posibleng mauwi ito sa local transmission. 

Nabatid na 70-80 porsiyento na mas mabilis makahawa ang UK variant na ito ng virus

Ayon pa kay Dr.  Solante,  nasa 5-14  days ang incubation period nito kaya dapat hanapin ang lahat ng nakasalamuha ng 29 anyos na real-estate agent na nagpositibo sa UK variant, simula Disyembre 20 o bago pa man siya pumunta sa Dubai. 

Payo pa ni Dr. Solante, sa ngayon ay mas mataas ang reproduction rate  dahil na rin sa post-holiday surge subalit sapat pa rin ang bed capacity ng San Lazaro Hospital para sa mga pasyente ng COVID-19. 

Magugunitang naitala ang unang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bansa matapos magpositibo ang isang Pinoy real estate agent na galing sa Dubai.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: