Police major inireklamo sa pagma “masturbate” sa harap ng isang saleslady

Share this information:

NANGANGANIB na matanggal sa serbisyo sa Philippine National Police (PNP) ang isang police major matapos itong ireklamo ng kalaswaan ng isang saleslady sa Legazpi City.

Kasalukuyang sinuspinde ng Police Regional Office-5 (PRO5) ang suspek na opisyal pa man din ng pulisya ng ipagharap ito ng reklamo ng “act of lasciviousness” ng biktimang tindera.

Nabatid kay Police Lt. Col. Rodelon Betita, chief of police ng Legazpi City sa Albay, kanila ng pinaiimbestigahan ang naturang insidente.

Kinukumbinsi ng pulisya ang biktima na ituloy nito ang pagdemanda sa police major na pansamantala munang hindi pinangalanan.

Base sa nakalap na impormasyon, nangyari ang insidente nitong nakalipas na araw ng Martes, September 14, 2021 sa isang kilalang mall sa lugar.

Nagulat na lamang ang biktima na habang nagbabantay ito ay nakita nyang nagma-masturbate sa harap nya ang lalaki na nakasuot pang sibilyan.

Humingi kaagad ng saklolo ang dalaga sa mga security guard ng mall at dinakip ang suspek.

Subalit agad din itong nagpakilalang pulis sabay pakita ng kanyang PNP ID na dahilan para makalaya ito sa kostudiya.

Napag alaman na humingi na ng tawad ang suspek sa biktima.

Inaalam na sa imbestigasyon kung nahagip ng CCTV ng mall ang ginawang kalaswaan ng police major.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.