Mga nag-positibo sa COVID-19 sa hanay ng PNP, umabot na sa 37,734

Share this information:

INIULAT ngayong Huwebes ng Philippine National Police (PNP) na pumalo na sa 37,734 ang naitalang nagpositibo sa sakit na COVID-19 sa kanilang hanay.

“Bilang mga frontliners sa mga quarantine measures na ipinapatupad ng ating pamahalaan, hindi maiiwasan na tumaas din ang bilang ng mga nahahawa sa aming hanay,” ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar.

Nasa 184 naman ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 ngayon at dahil dito, umakyat na sa 2,612 ang aktibong mga kaso sa hanay ng PNP.

Samantala, mayroong 254 naman ang naitalang mga bagong gumaling sa sakit. Sa ngayon, nasa 35,010 na ang total recoveries sa COVID-19.

Mayroon namang dalawa na nadagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa sakit, dahilan upang umabot na sa 112 ang bilang ng mga namatay sa hanay ng pulisya dahil sa COVID-19.

Habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso sa pulisya, tiniyak naman ni Eleazar na mayroon silang sapat na facilities at medical supplies upang mapunan ang mga pangangailangang medikal sa kanilang mga nasasakupan.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.