PNR, may mahigit 100 kaso ng COVID-19

Share this information:

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na hindi bababa sa 120 na ang na-infect ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan sa Metro Manila.

Ayon kay PNR Spokepserson Joseline Geronimo, naitala ang naturang bilang nang simulan ang COVID-19 testing  sa mga empleyado ng PNR batay na rin sa kautusan ni PNR General Manager Junn Magno.

Target naman aniyang maisalang sa swab test ang 1,000 nilang mga empleyado sa Metro Manila.

Ani Geronimo, nasa higit 1,000 ang mga kawani ng PNR sa Kalakhang Maynila at target na ma-swab test ang lahat ng mga ito.

Sinabi ni Geronimo na  pawang mga asymptomatic naman ang  mga nagpositibo nilang mga kawani sa COVID-19 at sinusundo sila para dalhin sa pasilidad o maisailalim sa quarantine sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PNR na ginagawa nila ang lahat para maprotektahan ang kanilang mga empleyado laban sa COVID-19 tulad ng isinasagawang swab testing.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

RGC/Uratex Group wants all its employees protected against COVID-19

Wed Apr 7 , 2021
The RGC/Uratex Group of Companies, the company that manufactures the Uratex brand of products, is among many companies in the country that seeks to protect all its employees against COVID-19 by procuring the necessary vaccines. For this purpose, the company launched #GetUProtected, a corporate-wide COVID-19 Vaccination Campaign, which ensures that […]

Follow Us

%d bloggers like this: