PNP General, positibo sa COVID 19

Share this information:

NAGPOSITIBO sa coronavirus 2019 o (COVID-19) ang hepe ng Philippine National Police-Aviation Security Group (AVSEGROUP) na si Police Brig. General Florencio Ortilla.

Ito ang kinumpirma mismo ni Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force o ASCOTF Commander at Deputy Chief for Administration Police Lt. General Guillermo Eleazar.

Pebrero a-2 nang umupo si Ortilla bilang hepe ng AVSEGROUP kung saan, nag-inspeksyon ito sa NAIA bilang bahagi ng kanyang pagiging hepe.

Dumalo rin si Ortilla sa Command Conference sa Clark Pampanga at pag-uwi nito sa Maynila ay nakaranas na ng sintomas ng COVID 19.

Ayon kay Eleazar, kasalukuyang naka-isolate na si Ortilla at sumasailalim sa gamutan habang binubuno ang 14 days quarantine period.

Binigyang diin naman ni Eleazar na kahit silang mga opisyal ay hindi exempted sa virus kaya’t nararapat talagang gawin ang ibayong pag-iingat.

Kaugnay nito, sinabi ni Eleazar na magiging una sa mga mabibigyang bakuna kontra COVID 19 ang mga miyembro ng PNP na nasa ospital at kasalukuyang naka-quarantine.

Magiging prayoridad din ang mga miyembro ng Medical Reserve Force, Reactionary Standby Support Force at mga contact tracer at susunod dito ang mga senior member ng PNP.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Stricter CSP requirements urged

Mon Feb 15 , 2021
Infrawatch PH is urging the Department of Energy (DoE) to implement stricter rules in the competitive selection process (CSP) of power distribution utilities. The call came after three power generators were disqualified from Manila Electric Company’s (Meralco) CSP bidding for 1,800 megawatts of power supply. Infrawatch PH is a thinktank […]

Follow Us

%d bloggers like this: