Nakatakdang lisanin ni Police Brig. General Romeo Caramat Jr. bilang hepe ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na itatalaga bilang bagong Police Regional Office 13 (PRO13) Director.
Papalitan ni Caramat si Police Brig. General Joselito Esquivel Jr. na nakatakdang mag retiro sa serbisyo sa September 17. Kasabay nito ay kanyang pag-upo sa pwesto.
Bago pangunahan ni Caramat ang PDEG, itinalaga ng dating PNP Chief General Oscar Albayalde bilang pinuno ng binuong Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na siyang humahabol sa mga tiwaling pulis.
Nalagay sa kontrobersiya si Caramat noong maging provincial director ito sa Bulacan dahil isa ang nabanggit na lalawigan sa may pinaka mataas na bilang ng mga nasawi sa drug war kung saan nasa 32 indibidwal ang napatay sa loob lamang ng 24 oras noong Agosto 2017.
Papalitan si Caramat ni Police Brig. General Armando De Leon bilang bagong PNP-DEG director na nagsilbi muna bilang deputy regional director for administration ng Police Regional Office 11 (Davao Region).
Samantala, ookupahin naman ang puwesto ni De Leon ng Police Regional Office 4B- Deputy Regional Director for Administration na si Police Col. Lorenzo Detran Jr.
Ang ilang paggalaw o reshuffle sa mga key senior police officials ay batay na rin sa kautusan ni PNP Chief General Camilo Cascolan na ipinalabas ngayong araw ng Martes.
“Following the principle of command responsibility, we will always hold unit commanders and leaders accountable in the accomplishment of their tasks and in upholding human rights and enforcing the rule-of-law,” pahayag ni Cascolan.