PNP Chief Debold Sinas, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Philippine National Police Chief General Debold Sinas kasunod ng isinagawang RT-PCR test sa kanya, Huwebes ng umaga.

Agad na sumailalim si Sinas sa quarantine habang inoobserbahan ang kanyang sarili na sa ngayon ay nananatili pang asymptomatic.

Kasabay nito ay inabusihan ng PNP Chief ang mga nakasalamuha nito sa nakalipas na 24 hanggang 48 oras na obserbahan ang sarili at magkaroon ng sintomas ay agad na ring magpasuri.

Sa huling tatlong swab tests na isinagawa kay Sinas nuong Marso 6 at 9 ay parehong nag-negatibo ang heneral sa COVID-19 hanggang sa nagpositibo ito sa virus nitong Marso 11.

Humingi naman ng paumanhin si Sinas sa pagkabahala na maaaring maidulot nito sa kanyang mga nakasalamuha ngunit naniniwala siyang kung nasusunod ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield ay mas mababa ang tsansa na mahawa ng sakit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

RA 9003, two decades after

Fri Mar 12 , 2021
METRO Manila’s rapid development is good, especially for adjoining provinces as it spills economic activities which could no longer be accommodated in the densely populated National Capital Region. Aside from the economic activities, Metro Manila also gets to spill 12,500 tons of garbage per day being dumped somewhere else –in […]

Follow Us

%d bloggers like this: