Players ng crypto games tulad ng Axie Infinity, pinagbabayad ng buwis

DAPAT umanong singilin ng buwis ang mga kinikita mula sa paglalaro ng cryptocurrency-based gaming tulad ng sikat na Axie Infinity.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue Deputy Commissioner for Legal Group Marissa Cabreros, maituturing na serbisyo ang paglalaro ng crypto games o kumikita rin dahil nai-convert bilang pera ang cryptocurrencies na nagagamit na pambayad.

“Ang serbisyo ng paglalaro diyan kayo binabayaran ng income. Nabibigyan kayo ng benefits o currency na ginagamit o tini-trade ninyo to convert into money at nagagamit pambayad,” paliwanag ni Cabreros.

At the end of the day may flow of income na pumasok sa ating players so income din po ‘yan na pupwede pong maging taxable,” dagdag nito.

Ang Axie Infinity ay isang play-to-earn scheme kung saan ang mga naglalaro ay pupuwedeng kumita sa pamamagitan ng pagpapalit o pagbebenta ng “Small-Love Potion” o SLP, habang naglalaro at naipapalit na pera.

“It doesn’t mean na napunta kayo sa digital arena o digital world, eh hindi na kayo magdedeklara o hindi na kayo taxpayer,” diin pa ni Cabreros.

Ayon pa sa opisyal, kung ang kinita ng player sa isang taon ay hindi sumobra sa P250,000, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, magiging exempted o libre ito sa income tax.

Kahit pa aniya ang tinatawag na scholar o breeder na naglalaro ng Axie Infinity, basta’t kumikita sa paglalaro ay dapat magbayad ng buwis.

Hinimok ng BIR ang mga naglalaro ng cyptocurrency games na magparehistro na sa pamamagitan ng New Business Registration system nito na makikita sa kanilang website.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.