MAY bago nang pinuno ang Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS sa katauhan ni Joe Torres na dating Director General ng Philippine Information Agency (PIA).
SI Torres ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at inanaunsyo ito sa kaniyang talumpati sa ika-50th KBP Top Management Conference sa Tagaytay.
Si Torres ay isa din beteranong mamamahayag.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang PTFoMs na paigtingin ang operasyon bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.
Inatasan din ng Pangulo ang ahensya na tutukan ang pagprotekta sa mga miyembro ng media para matiyak na walang banta laban sa kanilang buhay, kalayaan, at seguridad.