Phil Coast Guard, nasabat ang halagang P13.5 milyon ng sigarilyo na ipupuslit sana sa bansa

Share this information:

NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang aabot sa P13.5 milyong halaga ng sigarilyo na ipupuslit sana papasok ng bansa sa PMI Wharf, Baliwasan Seaside, Zamboanga City.

Ayon sa PCG, nakatanggap ng ulat ang PCG Station Zamboanga na lulan ng motorbanca na Shermina Express na pag-aari ni Ben Tab na may bussiness address sa Alu Duyong, Lugus, Sulu ang naturang mga kontrabandong sigarilyo. 

Nagtungo naman ang PCG team sa nasabing lokasyon upang kumpirmahin ang ulat at nadiskubre ang mga sako na puno ng kontrabandong mga sigarilyo na nasa motorbanca.

Nasa pag-iingat naman ngayon ng Bureau of Customs ang nasabat na mga sigarilyo para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.