Mga wanted na dayuhan, ipapa-deport ng BI

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng apat na dayuhan na wanted ng mga awtoridad dahil sa kasong kanilang kinakaharap sa kanilang bansa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang apat na dayuhan na inaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Pampanga, Catanduanes at Metro Manila, ay nakatakdang ipa-deport pabalik sa kanilang bansa at inilagay na rin sila sa blacklist para hindi na makabalik sa Pilipinas.

Kabilang sa mga inaresto ay dalawang Koreano, isang Amerikano at isang Dutch national na pawang nakadetine na sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Si Kim Won, 34 anyos, isang Korean national ay inaresto sa Clark, Pampanga. Siya ay may warrant of arrest mula sa Dongbu district court sa Seoul na nahaharap sa telecommunications fraud.

Naaresto naman sa loob ng kanyang condominium unit sa Taguig City si Kim Girok, 29 anyos, isa ring Korean national na may warrant of arrest mula sa Daegu district court  dahil sa pagpapatakbo nito ng isang prostitution racket at human trafficking scheme sa pamamagitan ng Internet.

 Sa Virac, Catanduanes naman naaresto ang Dutch national na si  Jan Cornelis Stuurman, 71 anyos, dahil sa pagiging overstaying at pinaghihinalaang isang pedopilya.

 Nahaharap naman sa Fraud at laundering of money instrument sa kanilang bansa si Steven Vernon Cross, 51 anyos, isang American national.

Bukod dito, nahatulan din si Cross sa korte sa Kent County, Michigan dahil sa pang-aabuso sa isang bata.

Ang apat ay kabilang sa 130 na mga wanted na dayuhan na naaresto ng Fugitive Search Unit ng BI mula Enero hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan.

They are undesirable aliens whose continued presence here poses a serious threat to public interest,” ayon kay Tansingco.  “Hence they were arrested and will be immediately deported as undesirable aliens,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.