PGH, “overwhelmed” pa din

Share this information:

Nananatiling “overwhelmed” ang Philippine General Hospital (PGH) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19, pahayag ni Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH.

Sinabi ni del Rosario na okupado na ng mga pasyenteng mayroong COVID-19 ang 235 na mga kama sa 250 na bed capacity ng ospital.

Dagdag pa nito, punong-puno  na rin ang intensive care unit (ICU) ng PGH.

Marami aniya sa mga pasyente sa ICU ay nasa “severe and critical” na kondisyon.

Sa kabila ng pagdagsa naman ng mga kaso sa ospital ay limitado pa rin ang kanilang manpower  o tauhan.

Ang pagdami ng mga kaso sa PGH ay hindi pa umano ito epekto ng umiiral na enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar sa NCR Plus, ayon kay del Rosario.

Gayunman, patuloy naman ang  pagmomonitor ng PGH sa mga pasyente  maging ang sitwasyon ng kanilang mga health care workers.

Kabilang ang PGH sa mga tinatawag na “referral hospital” sa Metro Manila para sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Villar is still richest Pinoy

Wed Apr 7 , 2021
FOR the third straight year, former Senator Manny Villar emerged on top of the list of richest billionaires in the Philippines, dwarfing 16 other prominent businessmen, says the Forbes Magazine which listed 2,755 billionaires from around the world. “[U]unprecedented by any measure, especially in a year in which large economies […]

Follow Us

%d bloggers like this: