Petisyon para sa P15 minimum na pasahe sa jeep, inihain sa LTFRB

PORMAL na hiniling ng isang grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtataas sa P15 ng minimum na pasahe sa jeep.

Inihain ng grupong Liga ng mga Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang petisyon sa tanggapan ng LTFRB sa layong maigiit ang tulong sa mga naghihikahos nang mga tsuper.

Ang hirit ay hindi lang sa National Capital Region (NCR) itinutulak na ipatupad kundi sa buong bansa.

Giit na grupo, kakarampot na lang ang kinikita ng mga tsuper kahit sagad na ang oras nila ng pamamasada dahil sa sobrang taas ng presyo ng produktong petrolyo.

The continuous increasing inflation rate, which kicked-up the prices of the basic commodities, pushed the PUJ stakeholders to the edge and can no longer provide 3x a day meal to their respective families,” diin ng transport group sa kanilang petisyon.

The aforesaid compounded factors, compelled the transportation sector to file this petition and ask for a conservative fare increase of fifteen persons (P15.00) as the minimum fare for the first four kilometers,” ayon pa sa petisyon.

Paliwanag ni Orlando Marquez, Presidente ng LTOP, kung tutuusin P21 dapat ang minimum na pasahe sa jeepney ang kanilang hihilingin pero hindi na nila ito ginawa.

Batay aniya kasi sa kanilang pagtataya, nasa P21 na ang kailangang mabawi ng mga tsuper bunga ng mataas na bilihin at pagmahal na spare parts ng makina ng mga sasakyan.

Samantala, humihingi naman si Marquez ng paumanhin sa mga pasahero na posibleng maapektuhan ng taas-pasahe.

Para maka-survive lang po kami kaya ginawa namin ito dahil po sa sobrang taas (ng presyo ng fuel). Alam namin po na masasaktan ang aming pasahero na ikinabubuhay. Pero, ano nga ang gagawin namin kung mamamatay kami? Saan sila sasakay, sa colorum?” ayon kay Marquez.

Bago maghain ng petisyon, nagtakda na ng pagdinig ang LTFRB hinggil sa hirit na taas-pasahe ng mga transport group sa Marso 8.

Wala pang tugon ang LTFRB sa petisyon ng LTOP.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.