Breaking News

Share this information:

WALANG pagtutol na nailusot sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong gawing permanente ang validity o bisa ng birth certificate, death at marriage certificate na inilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa botong 199, inaprubahan na ang House Bill 9175 na layong lumikha ng sistema na maiiwasang magdodoble pa ang proseso at dagdag-gastusin ng publiko sa pagkuha ng kopya ng civil registry documents.

Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, chairperson ng House Committee on Social Services, sa pamamagitan ng panukala ay hindi na kakailangin na paulit-ulit na kumuha ng civil registry certificate ng PSA na mayruon lamang na bisa na anim na buwan.

Karaniwan na ginagamit ang nasabing dokumento para sa mga unang pagkakataon pa lamang na kumukuha ng trabaho.

“The expiration of this document results in additional unnecessary expenses for ordinary Filipinos who are required to submit this basic requirement. In addition, this increases the struggle of first-time jobseekers who are required to submit a copy of their birth certificate in the course of their job applications,” ayon kay Vargas.

Target din ng panukala na lumikha ng civil registry database at magkaroon ng virtual viewing facility sa mga lokal na civil registry office at sa Philippine Foreign Service Posts upang maberipika ang authenticity o kung peke ang live birth certificate, death certificate, at marriage certificate.

Ipagbabawal din sa mga national government agency, government-owned and controlled corporations, local government units, pribadong kumpanya, private and public educational institutions, at iba pang non-government entities na obligahin ang pagpapasumite ng bagong kopya ng civil registry documents kung mayruon nang naipakitang balidong sertipikasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: