Perang inipon ng OFW, tinangay ng suspek na nalulong sa “online sabong”

LAGLAG sa kamay ng batas ang isang lalaking tumangay umano sa perang inipon ng isang OFW.

Timbog sa kamay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation ang suspek na si Josel Sungpongco. 

Napag-alamang mahigit sa 3 milyong piso ang tinangay ng suspek mula sa mga ari-arian at negosyo ng naturang OFW matapos niya pagkatiwalaan ito.

Nagsimula nang magduda ang OFW dahil hindi umano maibigay ng suspek ang kanyang hinihinging mga dokumento, at makatapos noon ay bigla na lang naglaho ang suspek. 

Nang matimbog ng NBI ang suspek, abot-langit ang paghingi ng tawad nito. 

Nagawa daw niya ang mga ibinibintang sa kanya dahil umano sa pagkakalulong nito sa pnline sabong o “Talpak.”

“Simula nang nag-lockdown doon na ako nahumaling sa online sabong,” ayon sa suspek.

Napaniwala ni Josel ang OFW dahil sa pagpepeke ng dokumento. “Naghahanap ako sa Facebook kung sino kaya gumawa at ayun isesend ko na sa kanya at ibibigay niya sa akin,” ayon sa suspek. 

Nahaharap ngayon ang suspek batay sa Cybercrime  Prevention Act, Falsification of Public Documents at Estafa. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.