PCOO Sec. Martin “BIG Brother” Andanar, dumalaw sa Laguna

Binisita kamakailan ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang ilang bayan sa lalawigan ng Laguna gaya ng Los Banos at Bay, ang bayan ng Calauan at Victoria.

Ang nasabing kalihim ay itinalaga ng Inter-Agency Task Force (IATF) bilang “Big Brother” ng Laguna upang ilunsad ang “Explain, Explain, Explain: Pagdalaw sa Laguna” bilang  suporta sa lokal na pamahalaan ng lalawigan laban kontra Covid-19.

Kasama nitong dumalo ang ilang representante ng gabinete mula sa tanggapan ng DSWD,DILG,PIA at DOH at maging ng mga alkalde at gobernador na si Ramil Hernandez. (CYRIL QUILO)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.