Breaking News

Share this information:

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na blended learning pa rin ang  sistema ng edukasyon, sa pagsisimula ng klase sa setyembre para sa school year 2021-2022.

Sa gitna ito ng pag aakala ng maraming mga magulang na tuloy na muli ang face to face classes.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na wala pang inaaprubahan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa face to face classes kahit na iminungkahi nila ang pilot testing nito para sa 100 mga paaralan.

Gayunman, nasa pagpapasya pa rin aniya ng Pangulo kung papayagan nito ang pilot testing ng face to face classes, dahil sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ang  sitwasyon ng covid 19 lalo pa at mayroon nang Delta variant na nakapasok sa bansa.

Tiniyak ni Briones na ligtas pa rin ang mga bata at mga guro sa pagbubukas ng klase dahil blended learning pa rin naman ito.

inaasahang magtatapos ang klase sa June 24, 2022 o katumbas ng 207 school days.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: