Pasahero na nagbirong may “granada” sa dalang bagahe blacklisted na sa isang airline company

NAUNSYAMI sa pagsakay ng eroplano ang lalaking pasahero  patungo sana ng Singapore nang magbiro na may granada sa kanyang bagahe na agad nagsagawa ng inspeksiyon para sa seguridad sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Biyernes ng umaga sa Pasay City.

Masusing pagsusuri ang isinagawa ng Aviation Security Explosive Ordnance Division ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) at Canine Unit ang dalang maleta ng pasahero matapos masuri ang laman ng maleta inihayag ng mga operatiba  na walang anumang uri ng pampasabog o ng kemikal na lilikha ng sunog sa loob ng kanyang bagahe.

Sa kabila ng kawalan ng aktuwal na banta sa seguridad ng mga pasahero kaagad naman nagpasya ang pamunuan ng airline na hindi na maghain ng pormal na reklamo laban sa pasahero at sa halip, hindi na lang siya pinahintulutan makasakay.

Dahil sa pangyayari inilagay ito sa blacklist ng airline sa mga susunod pa niyang mga biyahe.

“Bomb-related jokes have no place in airport facilities. We maintain a zero-tolerance policy and will take immediate action to ensure the safety and security of all airport operations,” pahayag ni Police Brig. Gen. Dionisio Bartolome Jr., acting Director ng PNP AVSEGROUP.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.