Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang claimant  ng mahigit siyam na milyong pisong halaga ng Ecstacy sa isinagawang joint controlled delivery operation sa Quezon City PhilPost Office kahapon, Hulyo 12.

Sa ulat ng Bureau of Customs, katuwang  ang Bureau of Customs (BOC)- Port of NAIA, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),  at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) nang maaresto ang hindi pinangalanang ‘mga claimant’ ng 5,637 pirasong tableta ng “Party Drugs” na nakasilid sa foot spa machine.

Sa rekord, lumabas na ang pakete ay dumating noong June 28, 2021 mula Neuss, Germany, at idineklara bilang  “Children’s Toys, Somer Sandals, Bag, Socks, Pants, Rain Boots, at Birthday Stock.”

Inisyal na natuklasan ang  ilegal na droga  sa panahon ng non-intrusive x-ray scanning sa pakete ng X-ray Inspection Project (XIP NAIA) at  K-9 unit.

Nang magsagawa ng 100 percent physical examination ang customs examiner, natuklasan na naglalaman ito ng libo-libong tableta na Ecstacy.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa custodial investigation ng PDEA ang mga suspek para sa posibleng paglabag sa  RA 9165  o Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: