Panuntunan sa paggamit ng “bivalent vaccines,” isinasa-pinal na ng DOH

Share this information:

KASALUKUYAN nang isinasapinal ng Department of Health (DOH) ang guidelines o panuntunan hinggil sa paggamit ng bivalent vaccines.

Pagtitiyak ng DOH, ang mga alituntunin ay ibibigay sa oras para sa pagpapatupad ng roll-out ng mga bakuna sa bansa.

Ayon pa sa DOH, iba’t-ibang istratehiya at allocation mechanism ang pinag-aaralan nito na maaaring ikonsidera, katanggap-tanggap, makatarungan, operational, at kahusayan sa paggamit ng bakuna.

The DOH has already secured an initial donation of around 1 million doses of Bivalent COVID-19 Pfizer vaccines from COVAX facility. It is expected to arrive in the Philippines before the end of March 2023,” ayon sa DOH.

Para sa batch ng inisyal na donasyon ng bivalent vaccines, ang A1 (Health Care Workers), A2 (Senior Citizens) at A3 (individuals with co-morbidities) ay dapat prayoridad na naaayon sa kondisyon na itinakda ng COVAX Facility.

Kapag ang karagdagang doses ay na-secure at available, ang prioritization ay maaaring palawakin sa iba pang mga priority group.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.