ISANG 10-palabag na gusali ng Universidad de Manila ang itatayo sa Tondo, Maynila na nilaanan ng P400-milyong pondo ng Kongreso mula sa 2024 national budget.
Ang nasabing gusali ay may 48 silid-aralan, 15 multi-function rooms, at isang multi-purpose gymnasium. Itatayo ang nasabing gusali sa isang 1,500-square meter public land sa Barangay 101 Tondo.
Target na makumpleto ang pagtatayo ng nasabing gusali sa huling kwarter ng taong 2026.
Ayon kay Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano, ang Universidad de Manila campus sa Tondo ay isang historical milestone para sa Tondo, Kongreso, at Lungsod ng Maynila dahil ito ang magiging kauna-unahang university campus sa Tondo.
Ginanap noong umaga ng Huwebes, Oktubre 17, ng umaga ang groundbreaking ceremony para sa nasabing gusali sa Vitas, Tondo, na pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, at ni Valeriano.