Breaking News

Share this information:

IPINAHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Navotas na lilimitahan muna ang pagtanggap ng mga pasyente sa Navotas City Hospital (NCH) simula Setyembre 11 hanggang Setyembre 30, 2021 dahil sa kakulangan ng medical staff matapos maapektuhan ng COVID-19.

Kaya naman humihingi ng pang-unawa ang lokal na pamahalaan dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng NCH at para sa anumang abalang maidudulot nito.

Ayon sa City Health Department ng lungsod, initial check-up lang muna ang gagawin sa mga bagong pasyenteng dadalhin sa NCH at kung kailangan ilipat ang pasyente ay kailangan i-coordinate ito ng NCH sa ibang ospital.

Sa kasaluyan ay level 1 ang status ng NCH kaya limitado ang mga serbisyong maibibigay nito tulad na lamang ng ICU.

Gayunpaman, sinisikap ng mga medical frontliners na maibigay ang pag-aalagang kailangan ng mga pasyente.

Sinabi ni Mayor Toby Tiangco, nakalulungkot isipin na ilang mga kawani ng NCH ang kailangan ma-quarantine o i-isolate matapos maapektuhan ng naturang sakit.

Patuloy naman ang pakiusap ng alkalde sa lahat ng may edad 18 pataas na magpabakuna na upang maiwasan na magkaroon ng malalang kondisyon ng COVID-19.

Mahawaan man tayo, di tayo magkakaroon ng severe o critical COVID at mangangailangan na dalhin sa ospital. Hindi po simpleng ubo o sipon ang COVID. Nakamamatay po ito. Huwag po nating hintayin na magkasakit tayo o ang ating mga mahal sa buhay,” pahayag niya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: