Breaking News

Share this information:

DAPAT na umanong ipatigil  ng national government ang pagpapasuot ng face shield sa lahat ng lalabas sa mga pampublikong lugar upang mabawasan ang gastusin ng taumbayan.

Ito ang suhestyon ni Manila Mayor Francisco Domagoso at dapat umanong sa mga ospital na lamang nirerequire ang pagsusuot ng face shield. 

Ayon sa alkalde, tayo na lamang umano ang bansa sa buong mundo na nagrerequire ng pagsusuot ng face shield. 

Ang face shield ay dapat ipatigil nang irequire  sa general population at gamitin na lang sa mga ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng  taumbayan. Dapat pag-isipan uli ito. Marami na tayong natutunan. We should adjust,” ani Domagoso. 

Magugunitang ipinag-utos ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng lalabas ng kanilang mga bahay. 

Sa unang resolusyon ng IATF, nirequire lang ang pagsusuot ng face shield  sa lahat ng papasok ng commercial establishments subalit  binago ito at ipinag-utos ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng lalabas ng bahay. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: