Pagpako sa krus, paghampas at iba pang pananakit sa sarili, hindi rekomendado ng DOH

HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa mga deboto ang anumang uri ng pagpapakasakit gaya ng paghampas sa sarili at pagpako sa krus bilang bahagi ng kanilang penitensya ngayong Semana Santa.

Ipinunto ni Department of Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na ang pangunahing nakukuha ng mga tao sa nasabing aktibidad ay tetanu o impeksyon dahil sa bacteria na tinatawag na Clostridium tetani.

Ayon pa kay Vergeire, maaari ding makakuha ng impeksyon na magdudulot ng mas malaking pinsala sa katawan ang mga tao na may mga sugat.

Posible ring makakuha ng pasa at pilay kapag ipinako ang mga buto sa kamay at paa.

Pinayuhan ni Vergeire ang mga deboto na gawin ang ibang pagsasakripisyo ngayong Holy Week bukod sa nabanggit na traditional religious practices.

Pinag-iingat din ni Vergeire ang paghalik sa imahe bagaman walang paghihigpit tungkol dito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.