Pagnanakaw ng kalabasa, kinatuwaan sa social media

KINATUWAAN sa social media ang ginawang pagnanakaw ng kalabasa sa isang taniman sa Pozorrubio, Pangasinan, matapos hindi kunin ang buong kalabasa at kumuha ng parte lamang mula dito ang magnanakaw. 

Kaysa sa malungkot o magalit ang may-ari na ninakawan ng kalabasa, tila natuwa pa ito dahil nag tira pa ito at hindi kinuha ng lahat ng kalabasa at nasabihan pa ng “Mabait.” 

“Yung magnanakaw ka, pero mabait ka pa din. Hahaha hindi mo pa nilahat,” ayon sa post ni Ernani Gabuat

Kinatuwaan din ng mga netizen ang post na ito mula kay Gabuat at umani pa ng mga nakakatawang komento. 

Isa na diyan ang komento mula lay Edsel Deveza, kung saan ang komento nito ay “Nagnakaw lang ng ayon sa pangangailangan” na pabirong tumukoy sa sa motto ng sikat na “Community Pantry.” 

Isa din si John Loid Tumbaga Fernandez at ang biro niya “Sorry kinuha ko po ung kalagati niya!”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.