Pagkakaisa, mensahe ng DBM chief ngayong Eid al-Fitr

PAGKAKAISA ang buod ng mensahe ng Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Secretary Amenah Pangandaman sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr.

Sa kanyang pagbati sa okasyong ito ng pananampalataya, at pagdiriwang kasama ang pamilya, ang Eid ay paalala sa walang hanggang pagmamahal at habag kung saan ang kabutihan ay umaabot nang higit pa sa ating nakikita.

With a heart full of gratitude and joy, I extend my warmest greetings to my fellow Muslim sisters and brothers in the blessed occasion of Eid al-Fitr—a time of faith, togetherness, and celebration with our loved ones.”

Ipinaalala niya na ang pagkakaisa ay nagbibigay ng natatanging lakas sa bawat isa.

Hinimok din ni Pangandaman ang lahat na ipagpatuloy ang diwa ng Ramadan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at pagpapatibay ng isang mas inklusibo at progresibong bansa.

Sinabi nito na ang bawat Muslim ay haligi ng tibay at malasakit, na may mahalagang papel sa paghubog ng isang lipunang may respeto at pagkakaisa.

Nawa’y tanggapin ni Allah (SWT) ang panalangin ng lahat, sakripisyo, at mabubuting gawa, at patuloy na pagpalain ng kapayapaan at kasaganaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.