Paggamit ng plastik, bawal na sa Paranaque City

SIMULA sa pagpasok ng taong 2021, ipinagbabawal na ang paggamit ng plastik sa mga tindahan, restoran at pamilihan  sa lungsod ng Paranaque.

Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, paiiralin na ang ban sa paggamit ng ‘single-use plastics’ sa lahat ng commercial establishments alinsunod sa ipinasang ordinansa ng konseho ng lungsod.

Ang Ordinance No.18-40 o ang “Regulating the use, provision and sale of styrofoam, plastic bags and plastic for prepared food and beverage containers” ay dapat nuong Hunyo ng kasalukuyang taon pa naipatupad ngunit kinansela ito dahil sa COVID-19 pandemic.

“This means that starting early next year, the city will no longer allow stores and restaurants to use plastic bags, and disposable straws and cutlery,” ayon sa alkalde.

Paliwanag ni Olivarez, ang Styrofoam ay hindi lamang nakasasama sa kapaligiran kundi sanhi rin ng pinsala sa mga tao at hayop.

Taong 2011 nang ipagbawal na ng City Council ang paggamit ng plastic bags sa dry goods at styrofoam  sa mga pagkain.

Dahil sa naranasang malaking pagbaha sa lungsod sa panahon ng tag-ulan dulot ng mga basurang plastic bags at iba pang non-biodegradable containers na bumara sa mga kanal, sapa, ilog at iba pang daluyan ng tubig, inamyendahan ang ordinansa ng city council.

“Paranaque will be plastic-free city by January,” said Olivarez, explaining that under the approved local law, violators will be fined P5,000 for every offense while on the third offense, violators will be shut down and their business license revoked for one year,’ dagdag ng alkalde.

Maliban sa Parañaque City, nagpapatupad na ng plastic ban ang Muntinlupa City, Pasig City, Makati City, Las Pinas City, Quezon City at Pasay City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.