4 NPA patay sa engkuwentro sa Occidental Mindoro

NAPATAY sa engkuwentro sa militar ang apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang sinasabing mataas na opisyal nito sa Rizal, Occidental Mindoro.

Nakasagupa kaninang umaga ng mga tauhan ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army ang tinatayang 20 rebelde sa Sitio Surong, Barangay Aguas at nagkaroon ng tinatayang tatlumpung minutong barilan bago tumakas ang mga rebelde.

Narekober sa lugar ang walong high powered firearms at mga subersibong dokumento.

Ayon kay Col. Jose Agusto Villareal, walang naiulat na sugatan sa panig ng mga sundalo.

Pinapurihan naman ni Major General Greg Almerol, commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang naging tagumpay ng kanilang mga tauhan.

“Your bravery fuels your soldiers’ commitment to finally end terrorism in our country. Together, we will surely bring down this barrier that prevents our nation from achieving peace and progress,” ani Almerol.

Ipinahayag pa ni Almerol na ang pakikipagtulungan ng mga residente ang naging susi ng pagkakasukol sa mga nasabing gerilya.

Mula nuong 2019,  nasa 568 rebelde na ang sumuko sa buong Southern Tagalog at halos 202 armas naman ang narekober.

Umaasa rin ang militar na malapit nang magupo ang kilusang komunista sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.