Pagdiriwang ng Valentine’s Day ng mag-asawa, nauwi sa trahedya

Share this information:

CAVITE — Ang pagdiriwang sana ng Valentine’s Day ng mag-asawa ay nauwi sa trahedya nang ang angkas na babae sa isang motorsiklo ay aksidenteng tumilapon patungo sa harapan ng isang gas tanker sa Tagaytay.

Agad na namatay ang babae na naka-angkas sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang asawa at tumilapon papunta sa tanker.

Patungo sana ang dalawa sa Tagaytay upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso.

Minamaneho ni Mario Nilo Piamonte y Hilhang, 26 anyos, ang motorsiklo angkas ang asawa nitong si Judy Ann Piamonte y Sabos, na residente ng Manggahan, General Trias City sa Cavite.

Nang sumapit sa General Trias – Amadeo paakyat ng Tagaytay ang mag-asawa, naisip ni Mario na mag-overtake sa bandang kanan ng gas tanker na nasa kanilang harapan at pinasok ang parehong direksyon  na tinatahak ng nasabing tanker sa Barangay Loma.

Tumama ang gulong ng kanilang sinasakyan sa  konkretong bato  at nawalan ng kontrol ang kanilang manibela, sabay tumilapon ang biktima sa harapan ng 10-wheeler truck.

Nagulungan ng gitnang gulong ng truck ang biktimang si Judy Ann  na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Kusang loob namang  sumuko sa mga awtoridad ang  truck driver na si Rolando Obsioma y Macalaquing, 49 anyos at residente ng Barangay Bagtas, Tanza matapos ang aksidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DA launches anti-ASF programs in Batangas

Mon Feb 15 , 2021
The Department of Agriculture (DA) launched the P28.1-billion Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) program and the P1.5-billion Bantay African Swine Fever (ASF) sa Barangay (BABay ASF), two programs aimed at strengthening its ability to combat ASF. The launch was held at Dream Zone, Provincial Capitol, […]

Follow Us

%d bloggers like this: