INAABANGAN na ng maraming mga Pilipinong mahilig sa basketball ang muling pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) na nakatakdang magbukas muli ngayong Setyembre 1, 2021.
Natigil ang huling laro sa PBA na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City noong Agosto 3 matapos magdeklara ang pamahalaan ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga lugar noong Agosto 6, 2021.
Ang deklarasyong ito ay inihayag PBA Board of Trustees sa isang online news conference na pinangunahan ni PBA Commissioner Willie Marcial, kasama sine deputy commissioner Eric Castro at executive assistant Mich Flores.
Napagkasunduan din na sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) gym sa Bacolor sa lalawigan ng Pampanga gaganapin ang muling pagbubukas ng PBA.
“I would like to express my great appreciation to the endorsements of Governor Dennis Pineda and Congressman Dong Gonzales. Sobrang laki ng tulong nila,” sabi ni PBA Commissioner Marcial sa PBA website.
Ikinagalak din ni Marcial ang pag-apruba sa kanilang hiling na maging venue ang DHVSU gym para sa mga laro ng PBA.
Ayon pa kay Marcial “Kung walang problema, start na tayo September 1.”
May kabuuang limang araw ang gaganaping mga laro sa loob ng isang linggo.
Ito ay tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo, kung saan gaganapin ang “triple-headers,” at tuwing Huwebes at Sabado naman mga “double header naman.
Wala namang laro tuwing Lunes at Martes.

