Breaking News

Share this information:

HINDI na muna papayagan ng gobyerno na magbiyahe patungong Israel ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Israeli forces at mga armadong grupo.

Pero paglilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi deployment ban ang ipatutupad ng gobyerno.

Sinabi ni Bello na tuloy pa rin ang pagproseso ng mga aplikasyon ngayon para sa mga gustong magtrabaho sa Israel pero hindi muna sila papayagang umalis habang mainit ang sitwasyon.

“We have not banned the deployment of our workers to Israel. The processing of those who already qualified continues. We are merely suspending their actual departure while the tension is still high,” ayon kay Bello.

“Ang pakiusap ko pa sa ating mga paalis na caregivers at health care workers ay ipagpaliban ng ilang araw ang kanilang biyahe upang hindi sila mapahamak. Sagutin ko po sila kay Pangulong Duterte kung ano man ang mangyari sa kanila in case sila ay umalis sa kabila ng mataas na tension doon sa Israel,” dagdag anito.

Halos dalawang linggo nang nagpapalitan ng pagpapalipad ng rocket ang mga Israeli at Palestinian.

Kasabay nito ay itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 1 sa Israel at West Bank habang ang Gaza ay nasa Alert Level 2.

Sa ilalim ng Alert Level 1, pinag-iingat ang mga Pilipino at pinaiiwas sa mga conflict zone ngunit hindi kailangan ang paglilikas habang sa ilalim ng Level 2, mahigpit ang magiging paggalaw ng mga Pilipino lalo na ang non-essential movements, pinaiiwas din sa mga lugar na may protesta at paghahanda sa posibleng paglilikas.

Aabot sa 29,473 ang mga Pilipino sa Israel habang 91 ang kasalukuyang nasa Gaza.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: