Breaking News

Share this information:

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG Fund dahil sa pagbili umano ng 21 kotse para sa mga opisyal nito nang walang pag-apruba ng Office of the President (OP).

Sa 2020 audit report ng COA, tinukoy ng mga state auditor ang paggastos ng Pag-IBIG ng kabuuang P36.355 milyon para sa 2015 Car Plan.

“This is composed of the P34.298 million cost of the 21 vehicles purchased for its officers and other expenses, specifically repairs and maintenance, insurance and registration of the subject vehicles totaling P2.057 million,” ayon sa COA.

Kabilang umano sa mga nabigyan ng kotse na nagkakahalagang P800,000 hanggang P1.8 milyon ay ang mga area manager hanggang mga Vice President.

Ang 50-porsyento ng halaga ng sasakyan ay sinagot umano ng Pag-IBIG habang ang natirang kalahati ay babayaran ng mga opisyal na ibabawas sa kanilang sweldo, allowances o bonus.

Gayunman, naging kuwestyunable para sa COA ang pagbili ng mga sasakyan nang ituloy ito bagamat walang pag-apruba ng tanggapan ng Presidente.

“Thus, contrary to Presidential Decree No. 1597, OP Memorandum Order No. 20, s. 2001 and OP Executive Order No. 7, s. 2010.  This condition affects the legality and propriety of the grant of the said benefit,” saad ng audit report.

Batay sa Section 5 at 6 ng Presidential Decree No. 1597, ang pagbibigay ng ano mang benepisyo ng mga kumpanyang pag-aari ng gobyerno ay kailangang dumaan sa pag-apruba ng Pangulo.

“Should the grant of the Car Plan benefit be approved by the OP, such would be subject to fringe benefit tax as required under Item No. 5 of Section 2.33 (B) of the Bureau of Internal Revenue-Rules and Regulations (BIR-RR) No. 3-98,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund vice president for public relations Kalin Franco-Garcia na hindi na kinailangan ang pag-apruba ng punong ehekutibo dahil ang ipinatupad na benepisyo ay hindi na bago o nuon pang 1983 pinasimulan at nagkaroon na rin ng pagbabawas sa car plan benefits.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: