Pagbabago sa diskarte ng gobyerno kontra-COVID-19 iniutos na pag-aralan na

Share this information:

NAKIKITA ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangan na baguhin o ma-recalibrate ang pagtugon ng gobyerno sa tumataas na mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng punong ehekutibo na bagamat mayruon nang bakuna na magbibigay proteksyon sa matinding epekto ng COVID-19, problema ngayon ang mutation o pagsulputan ng bagong variants kaya’t hindi na alam kung paano susugpuin.

Kaugnay nito, inatasan ng Presidente ang National Task Force Against COVID-19 na pag-aralan kung higit na magiging epektibo ang granular lockdowns upang mapababa ang hawaan ng virus infection.

Sinabi ni Pangulong Duterte na walang bansa ang napaghandaan ang COVID-19 pandemic at kung mayruon mang matutukoy na bansa na naka-ready na sa health crisis, magbibitiw siya sa posisyon.

Tumataas aniya ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming bansa sa mundo kabilang ang Estados Unidos at Europa at sa Turkey at Saudi Arabia ay maraming namamatay pero sa Pilipinas ay hawaan lang umano at hindi masyadong marami ang nasasawi.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.