Pag-agapay sa “agri-workers,” tiniyak ng Simbahang Katolika00

TINIYAK ng Simbahang Katolika na lubos nitong nauunwaan ang mga kinakaharap ng mga manggagawa ng sektor ng agrikultura at sisiguraduhin din na papalawigin pa ang mga hakbang upang matugunan ang kanilang mga suliranin.

Ito ang tinuran kahapon ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona kaugnay sa pagtalakay ng mga suliranin ng mga magsasaka at mangingisda.

Ang pahayag ay ginawa ni Bishop Mesiona sa ginanap na National Synodal Consultation sa Carmelite Missionaries Center for Spirituality sa Tagaytay na dinaluhan ng mga obispo mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa. 

Bilang tugon, nagkaroon naman ng nagkaroon ang mga magsasaka, maging ng mga manginigsda, na magbukas ng kanilang mga saloobin sa mga obispo ng Pilipinas tungkol sa mga hamon at mga suliraning kinakaharap ng kanilang sektor. 

Kanilang idinulog ang napakababang presyo pagdating sa bilihan ng palay na sabi nila ay nasa P14-P20 lamang, samantalang ang abono ay walang puknat sa pagtaas ng presyo na nagkakahalaga ng P800-P2,000 bawat sako.

Ikinatuwiran pa nila na ang “agricultural smuggling” ang siyang nagdudulot ng malaking epekto at pagkalugi nila na umaabot sa P2 million bawat araw, kabilang din ang pinsalang dulot ng Avian Influenza sa kanilang mga alagang hayop.

Nanawagan na kamakailan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan-pansin ang pangangailangan at mga hamon na pinagdadaanan ng mga mangingisda at magsasaka sa bansa upang matiyak na may pagkaing mapagkukunan ang mga Pilipino.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.