P6-milyon shabu, nasamsam ng PDEA sa Laguna

Share this information:

Nasa 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6-milyong piso ang nakumpiska ng pinagsamang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 4-A at Laguna Provincial Police Office sa isinagawang buy-bust operation sa San Pedro, Laguna.

Arestado ang apat na suspek na sina Marco Pineda Alejandro, Steve Uy Gonzales, Ariel Priet Santos at Jacques Sanchez Bueno sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Blk 11 Lot 2 Softball St. Villa Olympia Complex.

Nakalagay sa small size transparent sachet kasama ng narekober ang limang capsules na ecstasy at ilang drug paraphernalias.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.