IBINASURA ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region ang hirit ng grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na P470 dagdag sa minimum wage sa mga manggagawa.
Ayon kay Rolly Francia, director ng DOLE-Information and Publication Service (IPS), ikinatwiran umano ng NCR wage board ang lack of jurisdiction o hindi na nito sakop ang pagpapasya sa petisyon ng TUCP na ang nais na maidamay sa pagtataas ng sweldo ay ang lahat ng mga manggagawa o across the board.
Sa hirit ng TUCP, nais nitong madagdagan ng P470 ang kasalukuyang P537 na minimum na sweldo o gawing P1,007 ang arawang sweldo ng lahat ng mga manggagawa.
Hindi naman nagpatinag ang grupo ni Tanjusay sa desisyon ng wage board na aniya’y muli nilang ihahain ang nabasurang wage hike petition lalo na’t hindi lamang mga minimum wage earner ang apektado ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin.
Samantala, sinabi ni Francia na mayruon nang itinakdang public hearing sa iba pang wage hike petitions na inihain sa NCR wage board.

