P3.4M halaga ng shabu nasabat sa Quezon City

HINDI bababa sa limangdaang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P3.4 milyon ang nasamsam sa inilunsad na operasyon sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpiska ang ilegal na substance sa buy-bust operation sa Interim Batasan Road malapit sa House of Representatives complex, Sabado ng hapon.

Arestado ang dalawang suspek na kapwa umano mga drayber na nakilalang sina Infante Dionisio, 24-anyos, at Cory Arnel, 24-taong gulang, kapwa mga residente ng Batasan Hills.

Nabatid na nakalagay sa dalawang plastic containers ang pinaniniwalaang shabu. Nakumpiska rin ang isang sling bag, mga identification card pati mga lisensya, at marked money. Hawak na ng PDEA ang kustodiya sa mga suspek at ebidensya. Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.