P25M halaga ng shabu nasamsam sa Clark Freeport Zone sa Pampanga

crime scene do not cross

TINATAYANG nasa mahigit sa P25milyon pisong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng National Bureau of Investigation(NBI), Bureau of Customs, PNP Avsegroup at PDEA sa FedEx WareHouse, Clark Freeport Zone, Mabalacat City. Pampanga.

Ayon sa NBI idinaan sa mano manong pagsusuri ng mga operatiba ang isang parcel na idineklarang Data Cable Roll sa loob ng warehouse dahil sa kahina-hinalang imahe ang nakita ng Customs examiner.

Kanilang binuksan ang parcel kung saan tumambad ang anim na plastic bag na naglalaman ng higit sa limang kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php25,310,000.00 milyon.

Hindi naman nilinaw ng NBI kung saang bansa galing ang nakumpiska na illegal na droga at consignee nito.

Naiturnover na rin ang mga nasamsam na illegal drugs sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA ) para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.