Breaking News

Share this information:

NASA 150 tonelada ng mga “taklobo” o giant clam shells ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, tinatayang aabot sa P250 milyon ang halaga ng mga taklobo na nadiskubre sa King’s Paradise Island Resort, Barangay Panitian, Sofronio Espaniola, Palawan noong Hunyo 28 ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba.

Kinilala naman ang mga suspek na responsable sa pag-iingat ng mga taklobo na  sina Eulogio Josos Togonon, Totong Josos, Nonoy Guliman, at Vilmor Pajardo, na kapwa mga residente ng  Barangay Iraray, Sofronio Espaniola, Palawan.

Gayunman, si Togonon lamang ang naaresto sa operasyon.

Nasa kustodiya na ng mga opisyal ng  Barangay Panitian ang mga nakumpiskang taklobo habang dinala naman sa  Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) si Togonon para sa inquest proceedings at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Ang pagkakadiskubre ng mga taklobo ay sa pamamagitan ng sanib-puwersang pagsisikap ng PCG Intelligence Group – Palawan, PCG Station Brooke’s Point, DF-332, Naval Intelligence and Security Group – West, PCSD, at PNP – Maritime Group.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: