LAGUNA–Kumpiskado sa isang 42-anyos na lalaki ang mahigit P200k na hinihinalang shabu matapos magsagawa ng buy-bust operation kagabi sa Biñan City, Laguna.
Tinukoy ni Laguna Police Provincial Director PCol. Serafin Petalio II ang suspek na si Welix Diongco y Bombasi,, 42 anyos na lalaki, single, driver at residente ng 257 Cataran St., Velasco Subd, Brgy. Tagapo, Biñan City, Laguna.
Naaresto ang suspek matapos magsagawa ang mga operatiba ng buy-bust operation na pinangunahan ni Chief Provincial Intelligence Unit (PIU) PLt. Col. Arvin Avelino bandang alas 10:30 ng gabi sa nabanggit na lugar kung saan umaktong poseur-buyer ang isang pulis.
Nang kapkapan ang suspek, narekober ang limang pirasong Medium Heat Sealed Transparent Plastic sachet na hinihinalang shabu at may bigat na 30 gramo na tinatayang nasa P204,000 ang halaga, isang pirasong kulay asul na pouch, isang P1,000 bill at anim na pirasong boodle money.
Dinala sa Office of the Prosecutor ng Binan City ang suspek upang i-inquest dahil sa paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Samantala, naaresto naman ang rank no. 4 na Most Wanted Person sa Municipal Level sa Santa Cruz, Laguna kahapon.
Sinabi ni PLt. Col. Chitadel Gaoiran, Chief of Police ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nakilala ang suspek na si Edwin San Miguel y Reyes, 43 anyos, at residente ng Santisima.
Nasukol ang suspek sa Bayside, Brgy. Calios, Santa Cruz, Laguna matapos magsagawa ng manhunt operation.
Inihain kay San Miguel ang Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa of Violation of Sec. 5 & 11 of RA 9165 under CC# SC-19569-19570 na inilabas ni Hon. Cynthia Marino-Ricablanca, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 27, Sta. Cruz, Laguna noong Nobyembre 23, 2020.
Nasa pangangalaga na ng Santa Cruz MPS ang nasabing akusado.