P2.5-milyon halaga ng Ecstasy, shabu, nasabat ng BOC

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) at mga kapartner na ahensya nito ang halos P2.5 milyong halaga ng iligal na droga kabilang ang Ecstasy at shabu sa tatlong lokasyon sa Pasay City kamakailan.

Sa ulat ng BOC-Ninoy Aquino International Airport, Pebrero 1 nang masabat ang tatlong parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pair Cargo, at sa DHL Warehouse sa Pasay City.

Nang isailalim sa physical examination, naberepika ang presensya ng anim na plastic pouches ng candy at ibang vape cartridge na naglalaham ng “THC (tetrahydrocannabinol),” nasa 1.020 kilo ng Ecstasy at 106.46 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na P2.476 milyon.

Nabatid na nagmula ang mga parcel sa United States, France at Pakistan.  Ang mga consignee naman ng mga ito ay nasa Negros Occidental, Makati City at Camarines Sur.

Kasalukuyang nagkakasa na ang BOC katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng imbestigasyon at operasyon para maaresto ang mga consignee at iba pang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.

Ipinasa na sa kustodiya ng PDEA ang mga iligal na droga para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.