NASA kabuuang P2.4 milyon halaga ng high-grade marijuana ang nasabat ng Quezon City police sa dalawang lalaki na kapwa high-value individuals sa isinagawang entrapment operation sa Novaliches, Quezon City.
Nabatid kay QCPD Director Police Brig. General Danilo Macerin, nasamsam ng pulisya ang nasa 20-kilo ng nabanggit na ilegal na droga mula sa mga suspek na sina Daryl Collera, 24, residente ng Sitio Timoy Poblacion, Bakun, Benguet Province, at Murray Comot alias Lakay, 29, ng Buyagan La Trinidad, Benguet Province, na may kasong rape noong 2015.
Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4), isang tip ang kanilang natanggap sa umanoy pagbibiyahe at pagbebenta ng malakihang bulto ng marijuana kung kayat agad sila nagsagawa ng operasyon laban sa dalawa.
Bandang alas-3: 45 ng madaling araw ng Martes ng maisakatuparan ang paghuli sa mga suspek makaraang pagbentahan sila nito ng halagang P200,000 sa bahagi ng Quirino Hiway, Barangay Bagbag sa Novaliches.
Kasong paglabag sa R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin nina Collera at Comot

