P13.6-M droga, nasabat sa Laguna

Share this information:

Kumpiskado ang halos P13.6-milyong halaga ng ilegal na droga mula sa isang drug dealer matapos ang ikinasang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa San Pedro, Laguna .

Nakilala ang suspek na si Edgarfeel Balono Sakilan alias Kalbo, 42 anyos, tubong Maguindanao, at kasalukuyang nakatira sa St. Joseph Village, San Pedro, Laguna.

Sa pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Special Operations Unit (SOU) 3 sa pamumuno ni PLt. Jonathan Sosongco, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A, Provincial Intelligence Branch (PIB) Laguna, Provincial Police Office (PPO) at San Pedro City Police Station, nakumpiska ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may market value na P13.6 million, isang cellphone, 2,000 piso at kotseng ginamit sa transaksyon.

Base sa mga awtoridad, kilalang notorious drug courier na nago-operate sa area ng Region 3, NCR, Region 4A at sa Mindanao ang suspek.

Kabilang din siya sa drug syndicate na binubuo ng Filipino- Muslim at Chinese nationals .

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 and 11, Article II ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.