P127M halaga ng mga napinsala ng bagyong ‘Odette’ sa agrikultura

Share this information:

TINATAYANG aabot sa P127milyon halaga ng agrikultura ang napinsala sa paghagupit ng bagyong Odette sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Batay sa latest initial assessment ng Department of Agriculture (DA) mula sa mga nasalantang lugar sa western visayas at Caraga region, umabot sa 2,852 ang bilang ng mga magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

Umabot sa 8,600 metriko toneladang mga pananim ang nasira ng bagyo sa mahigit 6000 ektarang agricultural lands.

Nasa P82.55 million pesos naman ang halaga ng pananim ang naisalba ng mga magsasaka bago pa man tumama ang bagyo.

Kaugnay nito ay naglaan na ang DA ng P852million pesos na pondo para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda para makabangon mula sa epekto ng bagyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Only 203 new COVID-19 cases today; many labs failed to submit data due to “Odette”

Sun Dec 19 , 2021
THE Department of Health (DOH) today recorded a low of 203 new COVID-19 infections, lower than yesterday’s 291 count, according to the DOH COVID-19 Case Bulletin dated December 19, 2021. The low number of cases logged today, according to the DOH, was due to the failure of several laboratories to […]
%d bloggers like this: