Oplan” Viserion” ipinatupad sa loob ng kampo ng PRO-4A

CAMP VICENTE LIM, CALAMBA CITY, Laguna – ILANG araw bago ang Pasko ay nagsagawa ng surpresang inspeksyon ang Highway Patrol Unit 4-A sa lahat ng klase ng sasakyan na papasok sa loob ng kampo kabilang ang mga pulis, non-uniformed personnel at mga bisita.

Pinangunahan ni HPG 4-A Deputy Regional Director Police Lt. Col. Joel Jucutan kasama ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), Regional Intelligence Division 4-A at Regional Headquarters Support Unit 4-A ang nasabing inspeksyon.

Umabot sa 135 na sasakyan at 25 motorsiklo ang ininspeksyon na halos 80 hanggang 90 porsiyentong sasakyan ng mga pulis,non-uniformed personnel kabilang ang mga media practitioners.

Ayon kay HPG 4-A Regional Director Lt.Col.Samson Belmonte ito ay upang mapigilan ang paggamit ng mga carnapped na sasakyan.

Ang “OPLan Viserion“ ay parte ng kampanya ni PNP Chief General Debold Sinas na internal cleansing.

Dalawang motorsiklo ang dinala sa impounding area kung saan minamaneho ito ng isang PDEA Agent at isang sibilyan na hindi makapagpakita ng tamang dokumento ng kanilang mga sasakyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.